Thursday, July 16, 2009

LUMIPAD, DUMAPO

"Lumipad kang parang ibon, dumapo ka at tumuntong sa lupang parang tuyong dahon." Kasing sarap ng bawat paglipad, ang bawat pangarap. Gagawin mong matayog ang bawat mong nanaisin hanggang maaari, kasi daw libre ito at walang bayad. Cguro nga totoo, cguro nga tama...Pero hanggang san nga ba ang pagbuo ng pangarap...Di ba mas masarap kung sa bawat mong pangarap eh may kasamang pagsisikap, at determinasyong marating ang nais mong abutin. tulad ng mga ibon bago matutong lumipad ng malaya sila'y nadadapa muna, sa pagkampay ng pakpak sa una tiyak na mahuhulog pa. Subali't masarap na di ka sumuko at muli itong ikampay upang matutunan ang tamang pamamaraan sa paglipad...Sa bawat paglipad, pagkampay at pagpagaspas ng ating mga pakpak may darating sa puntong mapapagod tayo, magugutom, mauuhaw at hahanap ng masisilungan. Muli kang babalik sa pugad mong iniwanan, sa tahanan mong kinalakihan. May lumbay man sa pagbalik, may ngiti, may luha, tagumpay o pagkabigo...masarap paring damhin sa puso namulikang tumuntong sa iyong pinagmulan.

Parang sa pagmamahal kapag nagmahal ka ng lubos at nangarap ng tagos, wag mong isiping ang lahat ang mangyayari sa paraang naisin mong maganap ito...Kasi walng katiyakan ang bawat segundong darating sa buhay, wag mong isiping kapag minahal ka ng isang tao at iningatan ka nia sa loob ng mahabang panahon ibig sabihin eh di ka nia makakalimutan. Dahil darating ang panahon na muli ciang babalik sa lugar kung san muli ka niang bibitiwan.

Kung nakarating ka na sa pinangrap mong lugar, at pinangarp mong mangyari sa buhay wag mong kakalimutang muling bumaba upang magbalik sa lupa,hindi para muling magtanong, o dugtungan ang kahapon, kundi upang pasalaatan ang nakaraan....

Monday, July 13, 2009

ABILIDAD


Natural ability are like natural plants, that need pruning by study. I add this also, that natural ability without education has oftener raised man to glory and virtue than education without natural ability..

Wednesday, July 8, 2009

KUMPAS

Sa iyong paglipad, bawat pagpagaspas, at sa bawat kong pagkumpas. Tuwang-tuwa ka kita sa iyong mga kulay ang saya. Di ka napapagod na magbigay ng ligaya sa akin kahit na alam kong ika'y napapagod din. Sa dilim ang kulay mo'y nagbibigay liwanag sa aking paningin. Nung bata ako lagi kitang hinahabol pag nakikita na kita tapos huhuluhin ilalagay sa isang garapong malaki at palalakihin subalit napapansin ko rin tulad ko, nalulungkot ka rin wari ko dahil sa hindi mo nakakapiling ang mga kagaya mong may pakpak na makukulay rin. Kung kaya't sa huli nauuwi rin ako sa pagpapalaya sa iyo.

Totoo na kahit mahal mo na pero di masaya sa iyo kelangan din pakawalan. Mahirap ang magmahal ng sobra nakakasakal tuloy lalo ka lang mawawalan. Tulad mo dahil pinakawalan kita at naging malaya ka na nakasama mo na yung mga mahal sa buhay. Alam ko naman masaya ka jan, pero nitong lumalaki na ko bihira na kitang makita maliban na lang kung sasadyain kita sa lugar kung san may mga nagaalaga sa tulad mo, yun nga lang nalulungkot kasi binebenta ka na nila eh...

Pero alam ko sa ibang lugar na pinuntahan mo makakatagpo ka pa ulit ng ibang magmamahal sa iyo. Mag-iingat ka lang ha, para di ka na muli pang masaktan tulad ng ginawa ko sa iyo dati.
Sa susunod pag nagkita tayo sasabayan ko narin ng saya at tuwa ang bawat pagkumpas at pagpagaspas mo....