Wednesday, July 8, 2009

KUMPAS

Sa iyong paglipad, bawat pagpagaspas, at sa bawat kong pagkumpas. Tuwang-tuwa ka kita sa iyong mga kulay ang saya. Di ka napapagod na magbigay ng ligaya sa akin kahit na alam kong ika'y napapagod din. Sa dilim ang kulay mo'y nagbibigay liwanag sa aking paningin. Nung bata ako lagi kitang hinahabol pag nakikita na kita tapos huhuluhin ilalagay sa isang garapong malaki at palalakihin subalit napapansin ko rin tulad ko, nalulungkot ka rin wari ko dahil sa hindi mo nakakapiling ang mga kagaya mong may pakpak na makukulay rin. Kung kaya't sa huli nauuwi rin ako sa pagpapalaya sa iyo.

Totoo na kahit mahal mo na pero di masaya sa iyo kelangan din pakawalan. Mahirap ang magmahal ng sobra nakakasakal tuloy lalo ka lang mawawalan. Tulad mo dahil pinakawalan kita at naging malaya ka na nakasama mo na yung mga mahal sa buhay. Alam ko naman masaya ka jan, pero nitong lumalaki na ko bihira na kitang makita maliban na lang kung sasadyain kita sa lugar kung san may mga nagaalaga sa tulad mo, yun nga lang nalulungkot kasi binebenta ka na nila eh...

Pero alam ko sa ibang lugar na pinuntahan mo makakatagpo ka pa ulit ng ibang magmamahal sa iyo. Mag-iingat ka lang ha, para di ka na muli pang masaktan tulad ng ginawa ko sa iyo dati.
Sa susunod pag nagkita tayo sasabayan ko narin ng saya at tuwa ang bawat pagkumpas at pagpagaspas mo....

8 comments:

  1. nakakalungkot naman.. mahusay ka rin magsulat
    nakakarelate ang nagbabasa. sulat lang ng sulat

    siyanga pala invite kita dito sa community ng mga pinoy at pinay na site. Hintayin kita dito ha magregister ka dito.

    Eto yung link
    http://s1.zetaboards.com/TahananNgMgaPinoy/site/

    ReplyDelete
  2. wow!! emo ka atang magsulat ah, pero okey ah, pag-ibig nga naman noh..keep it up sabi nga ng 1st commentator sulat ng sulat...Godbless

    ReplyDelete
  3. err... welcome sa blogging world.. salamat pala sa pag-add...

    ReplyDelete
  4. Marami din salamat sa lahat ng nag comment at dumaan...

    ReplyDelete
  5. Welcome to the limitless world of blogging, and congrats for your first post, isang madamdamaing pagkakalikha.

    Mananatili kaming susubaybay sa mga susunod mong panulat kaibigan.

    Life is Beautiful, keep on blogging.

    Happy weekend.

    ReplyDelete
  6. ang ganda ng pagkakasulat ng kuwento mo..iba talaga pag kuwento pag-ibig..sana ma add mo ang blog ko sa blog list mo para pag may new post ako ay malalaman mo..bisita ka sa blog ko at tiyak sasaya magugustuhan mo ang mga sinulat ko na ang iba napublish sa diaryo..kuwento, poems, at tula..147 pa lang lahat..pag umabot na ng 5,000 ay titigil na ako sa pagsulat..

    ReplyDelete
  7. ang ganda naman nun,nkakalungkot...emong emo,hehe pero ayos astig! :)

    ReplyDelete
  8. Salamat kay the Pope, arvin at Hari ng sablay sa mga komento nio at paggawi dito di ko pa masundang muli dami pa gawa work eh hehehe...see yah next blog...

    ReplyDelete